Registered nurse si Maria sa States.Kasama nya ang kanyang ina na
nagpagamot din doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng
pasahe pabalik sa Pinas, nagtipid si Maria. Pinauwi na niya ang
kabaong ng inang mag-isa. Pagdating ng kabaong, napansin ng mga
kapamilya niya na dikit ang mukha ni Nanay sa salamin ng ataul.
Nagkomento ang isang anak,"Ay naku!, tignan mo ‘yan….hindi sila
marunong magayos ng bangkay sa Amerika!"
Upang ayusin ang bangkay, binuksan ang kabaong. Aba!,may sulat sa
dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham ay
mula kay Maria:
Mahal kung Tatay at mga kapatid:
Pasensya na kayo at hindi ko masamahan si Nanay sa paguwi diyan sa
Pinas dahil napakamahal ng pamasahe. Ang gastos ko pa lang sa kanya ay
higit $1,000 na. Ayoko ng isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway,
ipinadala ko kasama ni Nanay ang mga sumusunod….
Nasa likod ni Nanay ang dalawangput-apat na karnenorte. Ang
adidas…suot ni Nanay ay para kay Tatay. Ang limang paris ng degoma
ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na bagpack na inuunan ni
Nanay. Tig-iisa kayo. "Ang ibat-ibang klase ng tsokolate at candy ay
nasa puetan ni Nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong
magparte-parte. Sana’y hindi matunaw ang mga ito.
"Ang pokeman stuff toy na yapos-yapos ni Nanay ay para sa bunso ni
Ate. Gift ko sa first birthday ng bata. "Ang itim na Esprit bag ay
para kay Nene, Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay,Japanese
version ng Pokemon trading cards at stickers. Suot ni Nanay and
tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang
isa ay para kay Kuya at tig i-isa ang mga pamangkin ko. Maisusot ninyo
iyan sa fiesta. Suot din ni Inay ang anim na panty hose at tatlong
warmer para sa mga dalaga kong pamankin. Isuot ninyo sa party.
"May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni inay, para kay itay,
kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan ninyo na rin ng tig isa yung mga
pamangkin ko at iyong isa ay kay pareng tolome. Ang tigdalawang paris
ng Nike wristband @ kneecaps ay suot din ni Inay ay para sa mga anak
mo kuya, na nagbabasketball. Tig dalawang ream ng Malboro green at
Winston lights ang nasa pagitan ng mga hita ni inay. "Apat na jar ng
Skippy peanut butter, dalawang dish washing liquid, isang kiwi glass
cleaner, at tig-anim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa
kili-kili ni Nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.
"Isang dosenang bra na gustong-gusto ni ka iska, suot-suot din ni
Nanay.Alam kung inaasam-asam ninyo iyan t’ya.Ang hikaw, kuwentas,
sing-sing (na may nakakabit na nail cutters) na gustung-gusto mo Ate,
suot-suot din ni Inay. Kunin mo na rin agad ditche.
"Mga Chanel at champion na medyas ay suot-suot din ni inay. Tig-iisa
kayong mga pamangkin ko.
"Mga pampers, panty-liners, cotton buds, cotton balls, table napkins
at mga scotch brite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath
towels…iyon bale ang pinangkutson ko sa kabaong ni nanay.
Marami-rami rin iyon.Parte-parte na kayo. Marami pa sana akong
ipaglalagay kaya lang,baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta
parte-parte kayo,Tatay, Kuya, Ate, Nono, Nene, para sa inyong lahat
iyan. Bahala na kayo kay Nanay. Pamimisahan ko na lang siya
dito.Balitaan na lang ninyo ako pagkatappos ng libing. Paki double
check ang lista kung walang nawawala sa mga ipinadala ko.
Nagmamahal,
Maria